Video nina Ken Chan at Arjo Atayde bilang Boyet at Elai, binatikos

By Len Montaño September 24, 2019 - 02:25 AM

Patok sa netizens ang video nina Ken Chan at Arjo Atayde bilang mga ginampanan nilang karakter na sina Boyet at Elai.

Sa kani-kanilang Instagram ay nag-post ang dalawa ng kanilang video kung saan mapapanood na nag-uusap sina “Boyet” at “Elai” na pawang may kapansanan.

Ayon kay Ken, karangalan na ikwento ang buhay ng isang may autism. Ang kailangan anya ng mga ito ay pagmamahal.

Inihayag din ni Ken ang paghanga nito kay Arjo.

Sa kanya namang post ay sinabi ni Arjo na na-miss nila ni Ken ang kanilang mga karakter.

Hindi rin itinago ni Arjo ang respeto nito kay Ken.

Pero ang naturang video ay hindi ikinatuwa ng isang grupo ng mga taong may anak na may autism.

Ayon sa Autism Society of the Philippines, nakakalungkot na kailangan nilang ipaliwanag na ang naturang caricatures o pagsasalarawan sa labas ng pag-arte sa show ang nagiging dahilan ng nararanasang bullying ng mga batang may autism.

Tinanong ng grupo ang dalawang aktor kung nakakatuwa ba na gayahin sa social media kung gumanap sila na may cerebral palsy o bulag.

Una nang pinuri ng grupo ang magandang pagganap ni Arjo sa karakter nitong si Elai sa isang teleserye pero anila ang paggaya sa mga batang may autism para sa umanoy “social media fun” ay kailangan nang matigil.

Wala namang agarang reaksyon sina Ken at Arjo sa pahayag ng Autism Society of the Philippines.

 

View this post on Instagram

 

Namiss niyo ba si Boyet at Elai? Sa wakas nagkita na rin sila dahil sa @beautedermcorporation at kay @missrheatan 🤗 Isang karangalan ang isabuhay ang kwento ng isang tao na may Autism. Masaya kami ni @arjoatayde at naging bahagi kami kahit papano ng kanilang buhay. Huwag natin kalimutan na ang tanging kailangan nila ay ang pagmamahal. @arjoatayde saludo ako sayo!

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on Sep 22, 2019 at 7:45am PDT

TAGS: Arjo Atayde, autism, Autism Society of the Philippines, Boyet, bulag, cerebral palsy, Elai, Ken Chan, social media fun, video, Arjo Atayde, autism, Autism Society of the Philippines, Boyet, bulag, cerebral palsy, Elai, Ken Chan, social media fun, video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.