1 kilo ng cocaine nakitang lumulutang sa karagatang sakop ng Basilan

By Len Montaño September 24, 2019 - 01:47 AM

File photo

Nakita ng mga mangingisda ang isang package na lumulutang sa karagatang sakop ng Basilan Lunes ng gabi.

Ayon kay Basilan police chief Col. Rufino Inot, ang package ay naglalaman ng tinatayang isang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P6 milyon.

Nakita ang kontrabando sa pagitan ng Barangay Langil at Linungan.

Ipinaalam ng mga mangingisda sa pulisya ang nakita nilang cocaine.

Inaalam pa ng pulisya ang pinanggalingan ng cocaine at ang mga taong nagtapon nito sa dagat.

Una nang nag-alok si Mohamad Ajul Mayor Ibrahim Ballaho ng P10,000 na pabuya sa bawat cocaine na mai-turn over sa otoridad.

 

TAGS: 1 kilo, Basilan, cocaine, lumulutang, Mangingisda, package, 1 kilo, Basilan, cocaine, lumulutang, Mangingisda, package

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.