5 miyembro ng robbery/holdup gang patay sa enkwentro sa pulisya sa Parañaque
(UPDATE) Limang hinihinalang miyembro ng robbery/holdup gang ang patay matapos maka-engkwentro ang mga tauhan ng district special operations unit ng Southern Police District (SPD) kasama ang mga tauhan ng PCP 2 ng Parañaque PNP malapit sa PITX, sa Diosdado Macapagal Avenue, Barangay Tambo, Parañaque City alas 9:15 Lunes ng gabi.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar na ang mga napatay ay mga miyembro ng Candelario robbery/holdup gang.
Ayon pa sa pulisya, isa ang nakatakas na nakilalang alyas “Layco” na nagsilbing driver ng get-away vehicle ng mga suspects.
Lumabas sa imbestigasyon na una nang naaresto ang dalawang miyembro ng gang at nalaman ng pulisya na may krimeng gagawin ang mga suspek kagabi.
Sa pamamagitan ng telepono ay nagtakda ng pakikipag-kita sana ang mga pulis pero nakatunog ang mga suspek kaya nagkaroon ng palitan ng putok.
Narekober sa crime scene ang limang baril, isang Toyota Vios at personal na mga gamit ng mga suspects.
Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang nakatakas na suspek habang kinikilala pa ang mga suspek na namatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.