Tim Cone bagong coach ng Gilas Pilipinas

By Den Macaranas September 23, 2019 - 05:10 PM

Inanunsyo na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Ginebra Coach Tim Cone ang siyang magiging head coach ng Gilas Pilipinas para sa 2019 Southeast Asian Games.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ni Cone na handa siyang tulungan ang kampanya ng Pilippinas para makasungkit ng gintong medalya sa SEA Games.

Si Cone ay isa sa mga PBA coach na may pinakamaraming naipanalong kampeonato sa liga.

“I spoke to Tim Cone last Saturday and he expressed interested but wanted to finish his game last night and talk to his family first,” ayon kay SBP president Al Panlilio.

Sinabi rin ni Panlilio na malaki ang kanilang respeto kay Cone at sa sakripisyong kanyang gagawin.

Ilang  araw rin umanong mawawalay sa kanyang pamilya ang nasabing premyadong coach dahil sa paghahanda sa SEA Games.

Idinagdag pa ni Panlilo na magiging “One-and-done” lamang ang kanilang kasunduan kay Cone.

Nangangahulugan ito na sa SEA Games lamang magiging head coach ng Gilas Pilipinas ang pinuno ng Barangay Ginebra.

TAGS: al panlilio, Gilas Pilipinas, Ginebra, Samahang Basketbol ng Pilipinas, sea games, al panlilio, Gilas Pilipinas, Ginebra, Samahang Basketbol ng Pilipinas, sea games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.