Malacanang: Ekonomiya ng bansa hindi apektado sa pagtanggap ng grants sa ilang bansa

By Chona Yu September 23, 2019 - 03:14 PM

Nanindigan ang Malacanang na walang matinding epekto sa ekonomiya ng bansa ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang tumanggap ng loans at iba pang uri ng grants.

Ito ay kung magmumula ang pautang sa labing walong bansa na sumuporta sa resolusyon ng Iceland na paimbestigahan sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang anti-drug war campaign.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi rin apektado ang Build Build Build program ng administrasyon.

Hindi rin aniya apektado ang grant mula sa United Kingdom aabot sa 21 million euros para sa pagresolba sa trapik sa Metro Manila.

Ayon kay Panelo, bukod sa labing walong bansa, mayroon namang iba pang bilateral partner na bansa ang Pilipinas na maaring malapitan sa oras ng kagipitan.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na ginarantiyahan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na lahat naman ng proposed engagements ay pawang mga technical assistance grants at hindi labis na makalalatay sa ekonomiya ng bansa.

Sa record ng Department of Finance, may kabuuang existing grants ang bansa  na $377.43 Million mula sa Australia,Italy, Spain, France at Germany na hindi aniya maapektuhan ng direktiba ng pangulo.

TAGS: Bild, Finance Secretary Carlos Dominguez III, united kingdom, United Nations Human Rights Council, Bild, Finance Secretary Carlos Dominguez III, united kingdom, United Nations Human Rights Council

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.