Operasyon ng mga sanitary landfill dapat may kaukulang permiso ayon sa DOH

By Ricky Brozas September 23, 2019 - 11:51 AM

CONTRIBUTED PHOTO

Patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura sa harap ng panunumbalik ng Polio virus.

Una na kasing napaulat na nakuntamina ng Poliovirus ang Davao river matapos magsagawa ng sampling at testing ang Davao City Health Office.

Ang kontaminasyon ng Poliovirus sa Davao river ay posibleng nagmula sa dumi ng tao at sa basura.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat ding siguraduhin ng mga lokal na pamahalaan na may kaukulang permiso ang mga sanitary landfill sa kanilang nasasakupan at matiyak na hindi naihahalo sa mga daluyan ng tubig ang katas ng mga basura na nagmula sa sanitary landfills.

Una nang ipinanawagan ng grupong ACAPE o Alliance for Consumer and Protection of Environment sa Senado at sa Department of Environment and Natural Resources(DENR) na imbestigahan ang operasyon ng Wacuman sanitary landfill sa Bulacan dahil sa pagiging banta nito sa kalusugan lalo’t nanumbalik na naman ang Poliovirus.

Nangangamba naman ang mga residente sa Norzagaray at San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan na makontamina ang kanilang mga sapa at ilog ng katas na nagmumula sa Wacuman sanitary landfill lalot hindi ito sumunod sa Presidential Decree(PD)1152 na nagbabawal sa mga landfills malapit sa streams at river banks.

Posible kasi aniya silang tamaan ng Poliovirus lalo na ang nakatira malapit sa Landfill at sa kahabaan ng mga daluyan ng tubig sa Bulaca.

Ikinadismaya kasi ni Brgy. Chairman Gloria Deguito- Cardona ng Brgy. Paradise II ng SJDM ang kawalan ng public consultation sa operasyon ng Wacuman.

Nabatid na ang Wacuman sanitary landfill ay malapit lamang sa mga daluyan ng tubig sa San Jose Del Monte na dumideretso naman sa Angat reservoir na siyang pangunahing nag susuplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Sabi ni Duque, illegal na maituturing ang operasyon ng isang landfill na walang kaukulang permiso mula sa DENR.

TAGS: Bulacan, Dapat may kaukulang permiso, Davao City Health Office, doh, Health Secretary Francisco Duque III, Norzagaray at San Jose Del Monte (SJDM), Operasyon ng mga sanitary landfill, Bulacan, Dapat may kaukulang permiso, Davao City Health Office, doh, Health Secretary Francisco Duque III, Norzagaray at San Jose Del Monte (SJDM), Operasyon ng mga sanitary landfill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.