BREAKING: Ginigibang bahagi ng Hotel Sogo, biglang gumuho

By Jan Escosio, Jimmy Tamayo September 23, 2019 - 10:50 AM

Biglang gumuho ang ginigibang bahagi ng Hotel Sogo sa Mabini Street sa Malate, Maynila.

Pasado alas-9 ng umaga nang maganap ang insidente at agad naman nagpadala ng dalawang ambulansiya ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.

Base sa paunang impormasyon, ongoing ang demolition ng gusali para pagtayuan ng bagong gusali.

Agad din nagpunta si Mayor Isko Moreno sa lugar para personal na saksihan ang search operation matapos malaman na maaring may dalawang trabahador ang natabunan ng tone-toneladang konkreto.

Sa isang video, mapapanood na may sinisigawan ang mga rescue workers sa ilalim ng mga gumuhong konkreto.

Samantala, ipinag utos ni Moreno ang pagpapasara ng bahagi ng Hotel Sogo sa Adriatico Street matapos malaman na patuloy ang pagtanggap ng mga guests na gustong mag check in at hindi rin pinalabas ang mga guests na naka check in sa kabila ng insidente.

Pinag-check out na rin ang mga naka check in sa mga kwarto.

Nakataas naman na ang Code Red sa Emergency Room ng Ospital ng Maynila para sa mga dadalhing pasyente na nasugatan sa pagguho.

TAGS: gumuho, malate, Sogo Hotel, gumuho, malate, Sogo Hotel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.