P300,000 inilaang pabuya ng Davao City Gov’t para sa 6 na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 4-anyos na bata

September 23, 2019 - 10:10 AM

Nag-alok na ng P300,000 pabuya ang tanggapan ni Davao City Mayor Sara Duterte sa kung sino makapag-bibigay ng impormasyon sa anim na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa apat na taong gulang na bata.

Ayon kay Davao City Police Office (DCPO) spokesperson Police Captain Nolan Tagsip, nasa P50,000 kada ulo ang pabuya ng alkalde.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerome Bang Gaan, Jorex Manlangan, Steve Allan, Mayonado Calibay, Jomar Cariaman at John Onsilag na pawang residente ng Barangay Tapak Proper, Paquibato District.

August 29, 2019 nang matagpuan ang mga labi ng bata na hubo’t hubad sa madamong bahagi ng Barangay Tapak at kumpirmadong ginahasa bago pinatay.

TAGS: 000 inilaang pabuya, Davao City Gov’t, Davao City Mayor Sara Duterte, Jerome Bang Gaan, Jimmy Tamayo, John Onsilag., Jomar Cariaman, Jorex Manlangan, Mayonado Calibay, P300, panggagahasa at pagpatay sa 4-anyos na bata, Steve Allan, 000 inilaang pabuya, Davao City Gov’t, Davao City Mayor Sara Duterte, Jerome Bang Gaan, Jimmy Tamayo, John Onsilag., Jomar Cariaman, Jorex Manlangan, Mayonado Calibay, P300, panggagahasa at pagpatay sa 4-anyos na bata, Steve Allan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.