Bilibid dapat may gamot at dialysis machine

By Dona Dominguez-Cargullo September 23, 2019 - 09:45 AM

Inatasan ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang pamunuan ng Department of Health (DOH) na bigyan ng gamot at padalhan ng dialysis machines ang mga matatanda at may sakit na preso sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Go na siyang Chairman ng Senate Committee on Health, kalunos-lunos ang kalagayan ng mga bilanggong may karamdaman na walang pampagamot dahil sa kahirapan sa buhay.

Kinausap ni Go si DOH Sec. Francisco Duque III at nangako naman ang kalihim na magpapadala agad ng mga gamot sa naturang bilangguan kabilang na ang mga “maintenance medicine” at dialysis machine para sa mga matatandang at may sakit na inmate.

Maging si Justice Secretary Menardo Guevarra ay kinausap na rin Sen.Go para bilisan ang pag-review sa pagbibigay ng“parole” sa mga matatandang bilanggo na ang iba sa kanila ay natapos na ang kanilang sentensya.

Nais din ng Pangulong Duterte na palayain na ang mga 70 at 80 years old na mga inmate na nagdusa na sa piitan para makasama naman nila ang kanilang pamilya sa huling yugto ng kanilang buhay.

TAGS: Department of Health (DOH), gamot at dialysis machine, matatanda at may sakit na preso, New Bilibid Prison (NBP), Senator Christopher Lawrence 'Bong' Go, Department of Health (DOH), gamot at dialysis machine, matatanda at may sakit na preso, New Bilibid Prison (NBP), Senator Christopher Lawrence 'Bong' Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.