Manila tricycle board ipinalulusaw ni Mayor Isko Moreno

By Jan Escosio September 23, 2019 - 09:30 AM

Hindi maputol-putol na katiwalian ang nagtulak kay Mayor Isko Moreno para ipagutos ang pagbuwag sa Manila Tricycle Regulatory Office o MTRO.

Sa kanilang regular Monday flag raising ceremony, inatasan ni Moreno si Vice Mayor Honey Lacuna at ang City Council para lusawin na ang nabanggit na tanggapan.

Unang katwiran ni Moreno ay patuloy na nagiging pasaway ang mga tricycle drivers, gayundin ang ang patuloy na katiwalian sa MTRO.

Dagdag ng opisyal dahil sa lingguhang pangongotong ng ilang tiwaling tauhan ng MTRO kaya malakas ang loob ng ilang tricycle drivers na bumiyahe sa labas ng kanilang ruta.

Sa kanyang obserbasyon, tila ang mga tricycle driver na ang hari ng kalsada dahil maging sa mga pangunahing kalsada sa lungsod ay bumibiyahe sila ng walang pakundangan.

TAGS: Manila Tricycle Regulatory Office, Mayor Isko Moreno, MTRO, pasaway na mga tricycle drivers, regular Monday flag raising ceremon, Vice Mayor Honey Lacuna, Manila Tricycle Regulatory Office, Mayor Isko Moreno, MTRO, pasaway na mga tricycle drivers, regular Monday flag raising ceremon, Vice Mayor Honey Lacuna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.