Ilang biyahe ng eroplano sa Dubai naantala dahil sa drone

By Dona Dominguez-Cargullo September 23, 2019 - 06:18 AM

Bunsod ng hinihinalang drone activity, naantala ang biyahe ng ilang eroplano sa Dubai International Airport.

Kinailangang i-divert ang dalawang paparating na flights at lumapag ito sa mas maliit na paliparan sa Sharjah.

Ayon sa tagapagsalita ng paliparan, ilang minuto na tumagal ang pagkaantala Linggo (Sept. 23) ng hapon oras sa Pilipinas dahil sa hinihinalang drone activity.

Hindi naman na nagbanggit ng iba pang detalye sa nasabing pangyayari ang pamunuan ng paliparan.

Noon lamang Pebrero ay nagkaroon din ng pagkaantala sa biyahe sa nasabing paliparan dahil sa pagpapalipad ng recreational drones.

Pero bunsod ng kagaganap lamang na drone attacks sa oil facilities sa Saudi Arabia ay mahigpit ang pagbabantay sa mga paliparan sa mga drone activity.

TAGS: dubai flights, Dubai International Airport, Radyo Inquirer, dubai flights, Dubai International Airport, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.