Mga artista sabay-sabay kumain ng pork products
Sabay-sabay na kumain ng lechon at iba pang pork products ang ilang mga artista para ipakita na ligtas kainin ang produktong baboy sa bansa sa kabila ng pangamba sa African Swine Fever.
Isinagawa ang Celebrity Lechon Boodle Fiesta nitong weekend sa Project 7, Quezon City at nilahukan nina Angeline Quinto, Erik Santos, Empoy, Kyle Echarri, Super Tekla at G Force.
Ang sabayang pagkain ay proyekto ng Progressive Laboratories, KPP Powers Commodities Inc. at ni Qualibet CEO Pinky Tobiano katuwang ang Department of Agriculture (DA), Hog Industry of the Philippines at Propork.
Kabilang sa mga kinain ng mga celebrities ay lechon, longganisa, tocino, ham at pork adobo.
Layon ng Celebrity Lechon Boodle Fiesta na ipakita sa publiko na malinis at pumasa sa quality inspection ang mga baboy na mabibili sa palengke at supermarket.
Suporta ito ni Tobiano sa mga hog raisers na apektado na ngayon ang negosyo ng takot ng mga tao sa ASF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.