Eleazar nagsagawa muli ng surprise inspection, 3 pulis naabutang tulog

By Rhommel Balasbas September 23, 2019 - 04:40 AM

Muling nagsagawa ng surpresang inspeksyon si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa mga istasyon ng pulis sa Southern Police District (SPD), Lunes ng madaling araw.

Kabilang sa mga pinuntahan ng NCRPO chief ay ang police community precincts (PCP) sa Las Piñas at Muntinlupa pati na ang headquarters ng Muntinlupa Police.

Sa Las Piñas, naabutan ni Eleazar na natutulog ang dalawang mobile patrol officer at isang police desk officer.

Nasabon ni Eleazar ang mga naabutang tulog na pulis.

Samantala, nairita ang police official sa kalat na nadatnan sa labas ng mga PCP.

Pinagsabihan ni Eleazar ang mga pulis na maging malinis sa paligid matapos madatnan ang mga balat ng candy at bottled water na ang iba ay nakatago pa sa mga halaman.

TAGS: National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, Southern Police District (SPD), surprise inspection, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, Southern Police District (SPD), surprise inspection

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.