Lalaki patay sa bugbog sa Caloocan

By Rhommel Balasbas September 23, 2019 - 04:29 AM

Nasawi ang isang 50-anyos lalaki habang sugatan din ang kanyang pinsan at kaibigan matapos ‘mapag-tripan’ at bugbugin ng apat na lalaki sa Caloocan City.

Ayon sa Caloocan Police, napuruhan sa ulo ang biktima na kinilalang si Richard Gregorio at dead-on-arrival sa ospital.

Patuloy namang ginagamot ang pinsan ng biktima na si Luisito Gregorio at ang isa pa nilang kaibigan.

Bibili lang sana ng alak ang mga biktima sa isang supermarket Monumento Circle nang harangin sila at pagsusuntukin ng apat na lalaki.

Nagawang makahingi sa tulong sa mga baranggay tanod at pulis ang isa sa mga biktima dahilan para maaresto ang mga suspek.

Ayon sa pulisya, posibleng nakursunadahan lamang ng mga nakainom na suspek ang mga biktima.

Mahaharap ang mga ito sa kasong murder at frustrated murder ang isasampa laban sa mga suspek.

TAGS: caloocan, dead on arrival, pambubugbog, caloocan, dead on arrival, pambubugbog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.