Ateneo Blue Eagles, wagi vs NU Bulldogs sa iskor na 71-50

Natambakan ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang National University (NU) Bulldogs para sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa iskor na 71-50.

Sa pagtatapos ng unang quarter ng laro, nagsimula nang umarangkada ang Blue Eagles dahilan para maiwan ang puntos ng NU.

Pinangunahan ni Ange Kouame ang koponan ng Ateneo matapos makapagtala ng 15 points, 13 rebounds, 3 assists, 7 blocks at 2 steals.

Dahil dito, naging tiyak ang kanilang ikalimang sunod na panalo sa pagbubukas ng UAAP ngayong 2019.

Sa ngayon, ang NU ay mayroon namang 0-5 win-loss record.

Read more...