30 karton ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga

By Angellic Jordan September 22, 2019 - 04:27 PM

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 30 karton ng smuggled na sigarilyo sa isang pampublikong pamilihan sa Zamboanga City.

Ayon sa BOC, nakuha ang mga smuggled na sigarilyo sa Magay Public Market.

Isinagawa ang operasyon, katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG), matapos makatanggap ang ahensya ng ulat mula mismo sa ilang katao na sangkot umano sa smuggling sa pamilihan.

Nakalagay ang mga kontrabando sa dalawang sasakyan sa loob ng Pier Area sa pamilihan.

Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaaresto sa dalawang drayber ng mga sasakyan matapos mabigong makapagprisinta ng dokumento sa kontrabando.

Nagkakahalaga ang nasamsam na kontrabando ng P900,000.

Dinala na ang dalawa sa NBI para sa isasagawang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso laban dito.

TAGS: Bureau of Customs, Magay Public Market, smuggled na sigarilyo, Zamboanga City, Bureau of Customs, Magay Public Market, smuggled na sigarilyo, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.