LOOK: Konstruksyon ng Sangley Airport, tuloy-tuloy pa rin

Tuluy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng konstruksyon sa Sanglay Airport.

Base sa mga ibinahaging larawan ng Department of Transportatior (DOTr) sa Facebook, makikita ang konstruksyon ng ilang pasilidad para sa general aviation at turbopop operations ng airport.

Isinasaayos na rin ang bahagi ng passenger terminal building maging ang grade preparation para sa concrete slab sa hangar.

Puspusan na rin ang paggawa ng roofing at gutter installation, drainage system sa landside area at gravel base course at concrete pouring para sa ramp at taxiway.

Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang 24/7 na konstruksyon sa nasabing paliparan para mabilis na maabot ang itinakdang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinakda ang deadline ng paggawa ng paliparan sa November 2019.

Read more...