Korean singer-actress na si IU, magkakaroon ng concert sa Pilipinas sa Disyembre

Magkakaroon ng concert ang Korean singer-actress na si IU sa Pilipinas ngayong 2019.

Sa Twitter, inanunsiyo ng aktres na isasagawa ang kaniyang “Love Poem” tour sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City sa darating na December 13, 2019.

Maliban sa Pilipinas, bibisitahin din ni IU ang kaniyang mga tagahanga sa Kuala Lumpur, Malaysia; Bangkok, Thailand; Jakarta, Indonesia.

Mauuna namang idaos ang concert sa Taipei, Taiwan at sa Singapore.

Nakilala si IU sa kaniyang kantang “Good Day” taong 2010.

Read more...