Miss Universe 2018 Catriona Gray, itinanghal bilang ‘Woman of the Year’ ng isang magazine sa Dubai

By Angellic Jordan September 22, 2019 - 03:26 PM SHARE(S):
Photo grab from @catriona_gray/INSTAGRAM

Itinanghal si Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang ‘Woman of the Year’ ng isang magazine sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

Sa Instagram, ibinahagi ng beauty queen ang mga larawan sa kaniyang pagdalo sa seremonya.

Nagpasalamat si Catriona sa Xpedition Magazine sa paghirang sa kaniya bilang XAGA Woman of the Year dahil sa mga humanitarian work nito.

Sinabi pa ng Filipina beauty queen na masaya siyang makasama ang mga kapwa-nominee at awardee na malaki ang nagiging kontribusyon sa iba’t ibang larangan.

Maliban sa nasabing seremonya, tumulak din si Catriona sa Dubai para sa charity event ng Smile Train organization.

TAGS: dubai, lifestyle, Miss Universe 2018 Catriona Gray, UAE, XAGA Woman of the Year, Xpedition Magazine, dubai, lifestyle, Miss Universe 2018 Catriona Gray, UAE, XAGA Woman of the Year, Xpedition Magazine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.