LOOK: Ilang biyahe patungong Japan at pabalik ng Maynila, kinansela

Photo grab from Ninoy Aquino International Airport’s Facebook page

Kanselado ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Linggo (September 22).

Base sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng nararanasang masamang lagay ng panahon.

Apektado ang dalawang Cebu Pacific flights sa NAIA Terminal 3 na:
– 5J 922 na biyaheng Manila – Fukuoka
– 5J 923 na biyahe Fukuoka – Manila

Pinayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Read more...