US senator, nanawagang palayain si Sen. de Lima

Photo grab from @SenRubioPress/Twitter

Nanawagan ang isang senador sa Estados Unidos na palayain si Senadora Leila de Lima.

Sa Twitter, hinikayat ni US Republican Sen. Marco Rubio ang gobyerno ng Pilipinas na palayain mula sa pagkakakulong si de Lima.

Aniya, mahigit dalawang taon nang nakakulong si de Lima dahil sa aniya’y ‘bogus charges.’

Si de Lima ang isa sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa umano’y nagaganap na extrajudicial killings sa ilalim ng kampanya kontra sa ilegal na droga ng pamahalaan.

Noong buwan ng Agosto, anim na mambabatas sa Amerika ang naghain ng resolusyon para ipanawagan ang pagpapalaya kay de Lima.

Read more...