7 Pinoy na apektado ng sunog sa Maldives, ligtas – DFA

By Angellic Jordan September 22, 2019 - 11:31 AM

Ligtas ang pitong Filipino na apektadong ng sumiklab na sunog sa Maldives, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DFA na iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Bangladesh na nakatira ang pitong Pinoy sa ilang gusali na nasunog sa capital city ng Maldives na Malé.

Dahil sa laki ng sunog, libu-libong residente ang inilikas sa lugar.

Patuloy namang tinututukan ng embahada katuwang ang Philippine Consulate sa Malé ang sitwasyon matapos ang malaking sunog sa nasabing bansa.

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng Malé noong Biyernes ng gabi, September 20.

TAGS: DFA, MAldives, Malé, sunog, DFA, MAldives, Malé, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.