Dalawang rebelde patay sa engkwentro sa Catanduanes

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2019 - 10:38 AM

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa mga sundalo at pulis sa bayan ng Panganiban sa Catanduanes, Linggo (Sept.22) ng madaling araw.

Ayon kay Lt. William Hiponia, company commander ng 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army naka-engwkentro ng pinagsanib na pwersa ng mga sundalo at pulis ang pitong rebelde sa Barangay Taopon.

Tumagal ng 10 minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong hindi pa nakilalang rebelde.

Inabandona umano mga rebelde ang tatlong nasawi.

Nakuha din ng mga otoridad ang isang AR15 assault rifle.

Sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ang ibang nakatakas.

 

TAGS: catanduanes, new people's army, NPA, Radyo Inquirer, catanduanes, new people's army, NPA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.