Apat na Chinese tourists patay sa bus accident sa Utah

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2019 - 09:29 AM

Patay ang apat na katao na pawang turistang Chinese makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang bus sa Utah.

Sakay ng bus ang 30 Chinese na turista na umalis ng Las Vegas at patungo sana sa isang red-rock tour landscape sa southern Utah.

Malapit na sana sa parke ang bus nang mangyari ang aksidente.

Nawalan umano ng kontrol ang driver sa bus dahilan para maaksidente ito sa highway.

Maliban sa 4 na nasawi, 5 pa ang nasugatan at kritikal ang kondisyon.

Maayos naman ang kondisyon ng iba pang mga pasahero at 12 ang nananatili pa sa mga pagamutan.

Ayon kay Utah Highway Patrol Sgt. Nick Street, karamihan sa mga turista ay hindi nakasuot ng seatbelt.

TAGS: bus accident, Chinese Tourists, red-rock tour landscape, southern Utah, bus accident, Chinese Tourists, red-rock tour landscape, southern Utah

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.