Temperatura sa Baguio City bumagsak sa 14 degrees Celsius ngayong umaga

Nakapagtala na muli ng mababang temperatura sa Baguio City.

Ngayong umaga ng Linggo, Sept. 22 ay bumagsak sa 14 degrees Celsius ang temperatura sa lungsod.

Ito ang pinakamababang temperaturang naitala sa lungsod mula nang magtapos ang summer season.

Ito rin ang unang pagkakataon na naitala ang 14 degrees Celsius sa lungsod mula nang pumasok ang ‘Ber Months’.

March 27, 2019 nang huling maitala ang mababang temperatura na 13 degrees Celsius sa Baguio City para sa taong ito.

Read more...