Mahigit 100 OFWs mula Riyadh pauwi na ng bansa
Pabalik na ng bansa ang 101 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na pansamantalang nanirahan sa Philippine Embassy sa Riyadh.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang nasabing mga OFW ay inasistihan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para makauwi.
Karamihan sa kanila ay tumakas mula sa kanilang mga amo habang ang iba ay natapos na ang kontrata at walang sapat na pera upang makauwi ng Pilipinas.
Matagal ding nanirahan sa embahada ang nabanggit na mga OFW habang ipnoproseso ang kanilang dokumento upang makauwi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.