Tatlong emission testing centers sa Luzon sinuspinde ng DOTr

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2019 - 07:59 AM

Pinatawan ng suspensyon ng Department of Transportation (DOTr) ang tatlong emission testing centers sa Luzon.

Ito ay makaraang lumitaw sa imbestigasyon ng Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), ng DOTr na namemeke ng resulta ng emission testing ang mga ito.

Kabilang sa sinuspinde ang mga sumusunod na emission testing centers:

1. SUBICPRO COMMONDITIES CORPORATION sa Subic Bay Freeport Zone

2. RLW EMISSION TESTING CENTER sa Brgy. Mabiga, Mabalacat, Pampanga

3. NEVAEH BEA EMISSION TEST CENTER sa Daang Amaya I, Tanza, Cavite

90 araw iiral ang suspensyon.

Inabisuhan naman ng DOTr ang IT Service Provider ng tatlong nabanggit na Private Emission Testing Centers hinggil sa ipinataw na suspensyon sa mga ito.

Ito ay para ihinto na rin nila ang pagproseso ng datos mula sa tatlong nasuspindeng kumpanya.

TAGS: cavite, dotr, Pampanga, Private Emission Testing Centers, Subic Bay Freeport, cavite, dotr, Pampanga, Private Emission Testing Centers, Subic Bay Freeport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.