Naitala ang pagyanig sa layong 83 kilometers southeast ng Governor Generoso alas 6:26 ng umaga ng Linggo, Sept. 22.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 386 kilometers.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala.
Matapos ang magnitude 3.9 ay naitala naman ang magnitude 3.0 na lindol sa parehong lugar makalipas lamang ang ilang minuto.
Ang mas mahinang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 49 kilometers southeast ng Governor Generoso alas 6:36 ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES