Northern at Central Luzon apektado ng Habagat

Magpapaulan ang Habagat sa ilang bahagi ng Northern at Central Luzon ngayong araw.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, maulap na papawirin na may pag-ulan ang iiral sa Zambales, Bataan, Palawan at Mindoro provinces dahil sa Habagat.

Maaring makaranas ng pagbaha at landslide dahil sa mararanarasang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.

Samantala, sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na pag0ulan dahil sa localized thunderstorms.

Read more...