Tricycle driver patay sa pamamaril sa Quezon City
Patay sa pamamaril ang isang tricycle driver sa Quezon City Linggo ng madaling araw.
Dead on the spot ang biktimang si Erwin Villamor, 38 anyos.
Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng dalawang putok ng baril at nakita kalaunan si Villamor na nakahandusay na sa kalsada.
Bumangga naman ang tricycle nito sa isang nakaparadang sasakyan.
Ayon sa kinakasama ng biktima, walang nasasabi si Villamor kung may banta ito sa buhay at hindi ito palaaway.
Patuloy ang imbestigasyon sa pagka-kilanlan ng suspect at motibo sa krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.