Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na panatilihing malinis ang jail facilities para maiwasan ang kahit anong sakit na maaaring makuha ng mga preso.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, pag madumi ang mga kulungan ay maaaring magkasakit ang mga preso lalo na ngayon na uso ang sakit na dengue.
Paalala ng kalihim sa mga jail warden at pinuno ng lahat ng regional offices ng BJMP na pangunahan ang paglilinis ng kanilang mga jail facility.
Dagdag pa ng kalihim, dapat bigyan ng dignidag ang mga nakakulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinis na piitan.
Hindi naman anya nakakalimutan na dapat maparusahan ng mga kriminal pero nakatuon din ang ahensya sa pagbibigay ng repormasyon sa mga preso.