2 Indian nationals inireklamo ng pagnanakaw ng kanilang kababayan

By Len Montaño September 22, 2019 - 02:55 AM

Arestado ang dalawang Indian nationals matapos silang ireklamo ng pagnanakaw ng kapwa nila Indian nationals sa Caloocan City.

Ayon sa pulisya, sakay ng motorsiklo ay binabagtas ng dalawang biktima ang Old Zabarte Road nang harangin sila ng 4 na suspects na sakay din ng mga motorsiklo.

Pero nakatakbo ang mga biktima at humingi ng tulong sa pulisya kaya naaresto ang dalawang suspects habang tumakas ang dalawang iba pa.

Sa presinto ay dumating ang isa pang biktima na positibong itinuro ang mga suspects na tumangay ng kanyang P25,000 at humampas sa kanya ng steel baton sa Bagong Silang.

Ang dalawang suspects ay kakasuhan ng robbery hold-up at grave coercion.

 

TAGS: caloocan, grave coercion, Indian Nationals, pagnanakaw, robbery-hold up, steel baton, caloocan, grave coercion, Indian Nationals, pagnanakaw, robbery-hold up, steel baton

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.