Manny Pacquiao handa sa exhibition game kay Floyd Mayweather Jr.

By Len Montaño September 22, 2019 - 01:52 AM

Anumang oras ay handa si Senator Manny Pacquiao sa ikinakasang exhibition game ng matindi nitong karibal na si Floyd Mayweather Jr.

Ang pahayag ni Pacquiao ay matapos ianunsyo ni Mayweather na inaayos ng kampo nito ang isang exhibition game nila ng Filipino boxing champion na gagawin sa Tokyo, Japan.

Pinatutsadahan naman ng pambasang kamao ang undefeated American fighter.

Ayon kay Pacquiao, depende na lang kay Mayweather kung malakas pa ang loob nitong muli silang magharap sa boxing ring.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang unanimous win ni Mayweather laban kay Pacquiao noong 2015.

Ilang beses nang nabalita ang rematch ng dalawa pero hanggang ngayon ay walang naisakatuparan hanggang ihirit ni Mayweather na magkaroon na lang sila ni Pacquiao ng exhibition game.

 

TAGS: anytime, exhibition game, floyd mayweather jr, Japan, manny pacquiao, rematch, unanimous win, anytime, exhibition game, floyd mayweather jr, Japan, manny pacquiao, rematch, unanimous win

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.