Mga labi ni Darwin Dormitorio naiuwi na sa Cagayan de Oro

By Len Montaño September 22, 2019 - 01:28 AM

Facebook photo

Naiuwi na sa hometown nito sa Cagayan de Oro ang mga labi ni Darwin Dormitorio, ang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na namatay sa hazing.

Pighati ng mga kaanak at kaibigan ang sumalubong sa mga labi ni Dormitorio pagdating sa CDO araw ng Sabado.

Nagdesisyon ang pamilya na huwag nang i-cremate si Dormitorio.

Una rito ay kinumpirma ng pamunuan ng PMA at mga otoridad sa Baguio City na hazing ang dahilan ng pagkamatay ng kadete.

Ayon sa pamilya, sa Martes nakatakdang ilibing si Dormitorio.

 

TAGS: Cagayan De Oro, cremate, Darwin Dormitorio, hazing, mga labi, naiuwi na, PMA cadet, Cagayan De Oro, cremate, Darwin Dormitorio, hazing, mga labi, naiuwi na, PMA cadet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.