Taxi Driver sa viral video, kinasuhan na
#UWB666 eto po ang pinaka nakakatakot na driver na nasakyan ko.. from sm north po sumakay ako sa nakapilang taxi … sabi niya sakin 250 daw sabi ko naman naka metro naman kuya… And so i thought ok n si kuya sa metro… pero nung nasa POEA n kami inabot ko kay kuya ung 200 expecting a 50 change… din bigla nalang nagsisigaw si kuya eh GAGO ka pala, eh dapat nga 350 tapos sabi m sakin ikaw bahala at metro nalang.. so sabi kuya kaya nga i metro so 140 lang… tapos 3 beses ako ulit minura ayaw ibigay ang sukli, tapos sabi sakin ni kuya sasapakin ako pag di ako bumababa, nung makita nya na vinideo ko sya pinukpuk nya ako.. so bumababa na ako and nagstop ng video.. pero hinabol nya ako sa baba then mukhang sasapakin so sabi ko hali ka kuya sige subukan mo tapos natakot nalang sya dahil me mga tao and puro lalake nakatingin saknya and tinatawag ako para tawagin ung police… tsaka lang humarurot si kuya… una po high si kuya at kung ano ano pinagsasabi, pangalawa sana etong ganitong driver hindi kinukuha… papatay talaga si kuya literal… #nakakatakot sya sobra.#pakisharepo #walangnamengdriver
Posted by Jordie Lag on Monday, January 4, 2016
Sinampahan na ng kaso ang taxi driver na si Roger Catipay na nag-viral sa facebook matapos awayin at takutin ang babaeng pasahero nito.
Kasong unjust vexation ang isinampa ng complainant na si Joanna Garcia laban kay Catipay.
Nagtungo din si Garcia sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para personal na ireklamo ang nasabing driver.
Sa January 12, araw ng Martes, magsasagawa ng pagdinig ang LTFRB para matukoy kung dapat bang kanselahin ang prangkisa ng AFG taxi dahil sa ipinakitang ugali ni Catipay.
Nang dalhin kahapon sa QCPD headquarters, humingi pa ng paumanhin si Catipay kay Garcia.
Ayon kay Catipay, dalawa ang anak niya na pareho pang nag-gagatas kaya kailangan niyang makapagpatuloy sa trabaho.
Pero desidido si Garcia na ituloy ang paghahain ng reklamo laban sa taxi driver.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.