Cagwait, Surigao del Sur 4 na beses na nilindol sa loob ng 11 oras

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Cagwait, lalawigan ng Surigao Del Sur bandang alas-9:57, Sabado ng gabi, Sept. 21.

May lalim ito na 1.1 kilometers at tectonic ang pinag-mulan ng nasabing pagyanig.

Naitala ang episentro nito sa 5.9 kilometers sa Silangang bahagi ng Cagwait sa nasabing lalawigan.

Ito na ang pang-apat na beses na pagyanig na naramdaman sa nasabing bayan mula ala-1:57 ng hapon kung saan naitala ang pinakamalakas na lindol na umabot ng magnitude 4.4.

Ayon sa Phivolcs, sa kabila ng sunud-sunod na lindol sa Cagwait ay walang napinsalang mga ari-arian o gusali, walang nasaktan at walang inaasahang mga aftershocks at intensity.

 

Read more...