Ika-42 na Malasakit Center binuksan sa Pagadian City

By Len Montaño September 21, 2019 - 11:22 PM

Courtesy: Office of Sen. Bong Go

Pinangunahan ni Senator Bong Go ang pagpapasinaya sa ika-42 na Malasakit Center sa Zambonga del Sur Medical Center sa Pagadian City araw ng Biyernes.

Kasama sa paglulunsad si Secretary Michael Lloyd Dino ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV).

Ang OPAV ang partner ng Office of the Special Assistant to the President sa pagtatayo ng mga unang Malasakit Centers noong nasa ehekutibo pa si Go.

Ayon sa senador, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtayo ng mas marami pang Malasakit Centers sa buong bansa.

Ito anya ay para magkaroon ang mga Pilipino ng mas maayos na access sa tulong medikal at pinansyal.

“Sa inyong suporta, naniniwala po akong hindi malabo na makamit natin ang layuning ito,” pahayag ni Go.

Una nang sinabi ni Go na ang Malasakit Center ay isa sa mga paraan ng gobyerno para ibalik ang buwis na ibinabayad ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga proyekto.

“Pera po ninyo ito ibinabalik lang sa inyo sa pamamagitan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyong may malasakit para sa bawat Pilipino,” dagdag ng senador.

Ang binuksan na Malasakit Center sa Pagadian City ay ang pang-42 na sa bansa, pang-11 sa Mindanao at pang-apat sa Zamboanga Peninsula.

Una nang nagbukas ng Malasakit Center sa mga lungsod ng Dipolog, Zamboanga at Dapitan.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop kung saan mayroong mga kinatawan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Health (DOH), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), PhilHealth at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa naturang center, ang mga humihingi ng tulong pinansyal para sa isang medical condition ay magpi-fill out lamang ng isang form at hindi na kailangang pumila sa kaukulang mga tanggapan ng gobyerno.

 

TAGS: Malasakit Center, one stop shop, Pagadian City, pang-42, senator bong go, Zambonga del Sur Medical Center, Malasakit Center, one stop shop, Pagadian City, pang-42, senator bong go, Zambonga del Sur Medical Center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.