Robredo: Mga diktador walang lugar sa malayang bansa

By Len Montaño September 21, 2019 - 11:00 PM

File photo

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga Pilipino na tiyakin na walang diktador na maluluklok sa kapangyarihan.

Pahayag ito ni Robredo kaugnay ng ika-47 anibersaryo ng deklarasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ng martial law na ginunita ng bansa Sabado, September 21.

“Isang panawagan na gampanan ang ating iisang tungkulin na siguruhing walang lugar ang kahit sinong diktador sa isang bayang malaya. Tandaan natin na walang pinuno ang mas makapangyarihan sa kaniyang sambayanang pinagsisilbihan,” pahayag ni Robredo.

Ayon sa pangalawang pangulo, hindi dapat kalimutan ang pagmamalupit at pag-abuso noong may batas militar.

Hindi naman anya limitado ang laban sa isang pamilya o pangalan lamang kundi sa lahat ng nang-aabuso at naglalagay sa mga diktador sa kapangyarihan.

 

TAGS: abuso, Batas Militar, diktador, kapangyarihan, malayang bansa, Martial Law, Vice President Leni Robredo, abuso, Batas Militar, diktador, kapangyarihan, malayang bansa, Martial Law, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.