PACC sinabihan ng Malakanyang na itigil na ng imbestigasyon sa isyu ng GCTA

By Len Montaño September 21, 2019 - 10:46 PM

Sa utos ng tanggapan ng pangulo ay ititigil na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang imbestigasyon sa isyu ng good conduct time allowance (GCTA).

Ayon sa PACC, nag-iimbestiga na ang Office of the Ombudsman at Senado kaya sususpendihin na nila ang imbestigasyon sa kontrobersyal na GCTA na dahilan ng paglaya ng halos 2,000 inmates kabilang ang mga heinous crimes convicts.

Ayon sa PACC, ihihinto na rin ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang sarili nitong imbestigasyon.

Ang hakbang ay dahil nagiging duplication lamang at pag-aaksaya umano ng oras kung mag-iimbestiga pa ang PACC, DOJ at NBI.

Kung anuman ang nakalap na impormasyon ng PACC sa inisyal nilang imbestigasyon ang kanila lamang maisusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa paunang imbestigasyon ay pumunta si PACC Commissioner Greco Belgica sa New Bilibid Prison (NBP) at kumuha ng mga detalye ukol sa GCTA mula sa mga opisyal at inmates sa Bilibid.

 

TAGS: convicts, DOJ, GCTA, heinous crime, ihihinto, imbestigasyon, NBI, NBP, Office of the Ombudsman, Office of the President, pacc, paglaya, Senado, convicts, DOJ, GCTA, heinous crime, ihihinto, imbestigasyon, NBI, NBP, Office of the Ombudsman, Office of the President, pacc, paglaya, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.