DA, nanawagan sa mga LGU ng Cebu at Bohol na huwag kontrolin ang pork products
Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Cebu at Bohol na magdahandahan sa mga ginagawang hakbang laban sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay DA Secretary William Dar, huwag sanang pigilan ang paglabas pasok ng mga pork product sa Cebu at Bohol, lalo na kung nanggaling naman ito sa isang rehiyon na ASF free.
Maaari kasi anya ito maging sanhi ng pagkulang ng suplay ng pagkain o mga produktong baboy sa ibang lugar ng bansa.
Paliwanag niya na kung pipigilan ng lokal na pamahalaan ng Cebu at Bohol ang paglabas ng kanilang mga pork products, maaari rin daw ito gayahin ng ibang probinsya.
Tiniyak naman ng kalihim na ginagawa nila ang lahat ng paraan para mabigyang proteksyon ang ibang rehiyon ng bansa kontra ASF.
Umaasa si Dar na pakikinggan ang kanilang panawagan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Cebu at Bohol.
Ang pahayag na ito ay ginawa ng ahensya matapos ang napabalitang kinokontrol umano ng Cebu at Bohol ang mga pork products na inilalabas ng nasabing mga lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.