Malakihang dagdag-presyo sa petrolyo kasado na sa susunod na linggo

Isang malakihang oil price increase ang nakakasa sa papasok na linggo.

Ito ay inaasahan na ng ilang oil industry player makaraan ang ganapan na drone attack sa oil facilities ng Saudi Aramco noong nakalipas na linggo.

Sa pagtaya ng mga insider sa loob ng industrya ng langis, maglalaro ng mula sa P2.40 hanggang P2.60 ang magiging dagdag sa presyo ng gasoline.

Sa presyo ng diesel ay tiyak na ang P1.70 hanggang P1.80 per liter na price increase samantalang P1.90 naman ang magiging dagdag sa presyo ng kerosene o gaas.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi na hindi siya makikiusap sa mga kumpanya ng petrolyo na gawing tingi ang pagtataas sa kanilang presyo.

Naniniwala ang kalihim na makababawi rin sa susunod na linggo ang halaga ng petrolyo dahil maayos na ang kalagayan ngayon sa Saudi Arabia na isa sa mga bansang pangunahing producer ng langis sa mundo.

Sa Martes ng umaga inaasahan ang big time oil price hike.

Read more...