Mga kaanak ng PMA cadet na namatay sa hazing nanawagan ng hustisya
Hustisya ang sigaw ng mga kaanak ng yumaong Philippine Military Academy (PMA) Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.
Gamit ang social media, inihayag ng pamilya Dormitorio ang galit laban sa pamunuan ng PMA.
Hazing at hindi cardiac arrest ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ni Dormitorio.
Ito ay pinagtibay ng inilabas na ang resulta ng medico-legal na isinagawa sa katawan ng biktima.
Sa inilabas na otopsiya sa bangkay ng biktima, lumabas na pumutok ang kidney nito dahil sa matinding pag torture na naranasan ng biktima.
Samantala, nagsagawa narin ng hakbang at humingi rin ng hustisya ang Xavier University-Ateneo kaugnay sa sinapit ng isa sa kanilang mag aaral.
Nag-utos narin ng malalimang imbestigasyon si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno upang maparusahan ang mga saralin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.