Sotto: 2020 budget dadaan sa mahigpit na review ng Senado

By Den Macaranas September 21, 2019 - 05:30 PM

Bagama’t lusot na sa Kamara ang panukalang 2020 P4.1 Trillion national budget ay tiniyak naman ng liderato ng Senado na dadaan ito sa kanilang pagbusisi.

Nilinaw ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi nila mamadaliin ang paghimay sa pambansang pondo at ito ay dadaan sa masusing pag-aaral.

Ipinaliwanag rin ni Sotto na titiyakin ng kanilang grupo na walang makalulusot na insertions sa pambansang budget.

Hindi rin umano papaya sina Sen. Ping Lacson at Sonny Angara na makalusot ang pondo kung may nakatago dito na “pork”.

Noong nakalipas na taon ay hindi kaagad naipasa ang panukalang budget dahil sa ilang mga insertions na isinisisi sa ilang mga kongresista.

Buwan na ng Abril, 2019 nang mapirmahan ng pangulo ang pambansang budget makaraan niyang i-veto ang P95.3 Billion na halaga ng “items” na pilit na ikinarga sa pambansang budget.

TAGS: 2020 national budget, Congress, insertions, lacson, Malacañang, pork, Senate, Sotto, 2020 national budget, Congress, insertions, lacson, Malacañang, pork, Senate, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.