Isang pamilya minasaker ng kaanak sa Surigao del Sur

By Jimmy Tamayo September 21, 2019 - 01:32 PM

Arestado ang isang lalaki na pangunahing suspek sa pamamaslang sa kanyang kapatid at tatlong miyembro ng pamilya sa Barangay San Pedro, bayan ng Cantilan sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Kinilala ang suspek na si Alex Roales, 35 anyos na kapatid ng isa sa biktima.

Wala ng buhay at may mga tama ng patalim nang matagpuan ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay sa Purok 1, Sitio Gapas Gapas biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Rogelio Ravelo, Jr. 35 anyos, ang misis nitong OFW at kapatid ng suspek na si Alfonsita 39 anyos at kanilang mga anak na sina Rogelio, Jr. 9-anyos at CJ 3-anyos.

 

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nakararanas ng depresyon ang suspek nang hatawin ng taga ang mga biktima habang natutulog.

TAGS: alex roales, Cantilan, massacre, surigao del sur, alex roales, Cantilan, massacre, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.