outbrain

Abogado na dating police colonel patay sa pamamaril

By Jimmy Tamayo September 21, 2019 - 01:26 PM SHARE(S):

Patay ang isang abogado nang pagbabarilin sa labas ng kanyang bahay sa Katarungan Village, Muntinlupa City sabado ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Atty. Jesus Acpal, 68-anyos at isang retiradong police colonel.

Ayon sa ulat, kadarating lang ni Acpal sakay ng kanyang SUV at bumaba ng sasakyan para buksan ang gate nang barilin ng hindi pa tukoy na suspek bandang ala-1:00 ng madaling araw.

Nakuha sa crime scene ang nasa 11 basyo ng bala.

Inaalam pa kung sino ang nasa likod at motibo sa pamamaslang.

Nagapag-alam rin na pawang mga kasong kinasasangkutan ng mga pribadong indibiduwal ang hawak ng napatay na biktima.

TAGS: jesus acpal, Muntinlupa, Shooting Incident, jesus acpal, Muntinlupa, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.