US magpapadala ng dagdag na sundalo at missile para idepensa ang Saudi at UAE

By Den Macaranas September 21, 2019 - 11:15 AM

AP

Inihayag ng Pentagon na magpapadala sila ng dagdag na tropa at missile defense equipment sa Saudi Arabia at United Arab Emirates kaugnay sa muli na namang banta ng pag-atake sa nasabing mga bansa.

Ang Saudi at UAE ay kilalang mga kaalyado ng US.

Sinabi ni US Defense Sec. Mike Pompeo na inihahanda na ni Gen. Joseph Dunford, chairman of the Joint Chiefs of Staff ang plano sa pagdagdag ng tropa ng US sa naturang mga lugar.

Ipinaliwanag ni Pompeo na ayaw ni US President Donald Trump na muling maulit ang drone attacks sa Saudi noong nakalipas na linggo na nagresulta sa pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Nauna nang sinabi ng US na isang uri ng act of war ang inilunsad na drone attack.

Base sa mga ebidensyang hawak ng Central Intelligence Agency (CIA), galing sa Iran ang missile na tumama sa oil facility ng Saudi Aramco noong nakalipas na weekend.

Itinanggi naman ito ng Tehran kasunod ng pagsasabing handa silang makipag-sabayan sa US sakaling gumawa ng pagsalakay sa kanilang teritoryo ang American troops.

TAGS: donald trump, drone attack, Iran, Pentagon, pompeo, Saudi, UAE, donald trump, drone attack, Iran, Pentagon, pompeo, Saudi, UAE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.