42-anyos na si Vince Carter pipirma ng kontrata sa Atlanta Hawks

By Den Macaranas September 21, 2019 - 09:41 AM

NBA photo

Gagawa ng kasaysayan sa NBA ang isa pinaka-matandang basketball player na hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa nasabing liga.

Pipirma ng kontrata para sa Atlanta Hawks ang 42-anyos na si Vince Carter at ito na ang kanyang magiging 22nd season sa NBA.

Dahil sa nasabing kontrata ay hihirangin si Carter sa kasaysayan ng NBA na isa may pinaka-maraming taon na inilaro sa nasabing liga.

Sa kasalukuyang mga active NBA players, si Carter ay may kabuuang laro sa kanyang career na umaabot sa 1,481 games.

Nakilala si Carter sa NBA sa pamamagitan ng kanyang mga acrobatic dunks.

Noong 1999 ay hinirang siyang NBA Rookie of the Year habang naglalaro sa Toronto Raptors

Si Carter ay fifth pick overall sa 1998 NBA Draft.

Sa kanyang career ay napasama siya sa NBA All-Star squads mula 2000 hanggang 2007.

Kilala bilang “Air Canada”, noong taong 2000 ay pinangunahan niya ang US Olympic team sa pagkuha ng ginto sa Sydney Olympics.

TAGS: Atlanta Hawks, NBA, Vince carter, Atlanta Hawks, NBA, Vince carter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.