Tiniyak ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) na hindi sila magtataas sa presyo ng Christmas ham ngayong taon.
Pero sinabi ng grupo na magbabawas sila ng produksyon ng hanggang sa 20-percernt dahil sa inaasahang mababang demand nito sa pamilihan.
Isinisisi ng PAMPI sa paggkalat ng African Swine Fever (ASF) ang pagbaba sa kanilang produksyon.
Sinabi ni PAMPI Vice President Jerome Ong na inaasahan na ng kanilang grupo na aabot sa P1 Billion ang mawawala sa kanilang kita ngayong taon dahil sa nasabing sakit.
Nauna nang sinabi n Ong na siya ring may ari ng CDO meat products na maraming mga seasonal workers ang apektado ang kita dahil sa ASF.
Kabilang sa mga miyembro ng PAMPI na nagsabing hindi sila magtataas sa presyo ng kanilang Christmas ham ay ang Pampanga’s Best, Frabelle, Purefoods Hormel Company, CDO Foodsphere Inc. at Pacific Meat Co. Inc.