Presyo ng Christmas ham hindi tatataas ayon sa PAMPI

By CDO Foodsphere Inc. at  Pacific Meat Co. Inc., Frabelle, Pampanga’s Best, Purefoods Hormel Company September 21, 2019 - 08:58 AM

File photo

Tiniyak ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) na hindi sila magtataas sa presyo ng Christmas ham ngayong taon.

Pero sinabi ng grupo na magbabawas sila ng produksyon ng hanggang sa 20-percernt dahil sa inaasahang mababang demand nito sa pamilihan.

Isinisisi ng PAMPI sa paggkalat ng African Swine Fever (ASF) ang pagbaba sa kanilang produksyon.

Sinabi ni PAMPI Vice President Jerome Ong na inaasahan na ng kanilang grupo na aabot sa P1 Billion ang mawawala sa kanilang kita ngayong taon dahil sa nasabing sakit.

Nauna nang sinabi n Ong na siya ring may ari ng CDO meat products na maraming mga seasonal workers ang apektado ang kita dahil sa ASF.

Kabilang sa mga miyembro ng PAMPI na nagsabing hindi sila magtataas sa presyo ng kanilang Christmas ham ay ang Pampanga’s Best, Frabelle, Purefoods Hormel Company, CDO Foodsphere Inc. at  Pacific Meat Co. Inc.

TAGS: ASF, BUsiness, ham, PAMPI, Philippine Association of Meat Processors Inc., ASF, BUsiness, ham, PAMPI, Philippine Association of Meat Processors Inc.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.