DOJ ipinaubaya kay Pang. Duterte ang muling pag-aresto sa convicts na napalaya sa GCTA

INQUIRER.net file photo

Sa kabila ng nais na itigil muna ang pag-aresto sa convicts na napalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA) law, aminado ang Department of Justice (DOJ) na nakasalalay pa rin kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan.

Inirekomenda ng DOJ sa Department of Interior and Local Government (DILG) na pansamantalang ihinto ang manhunt o pagtugis sa mga convicts.

Ito ay para matapos muna ng ahensya ang paglilinis sa listahan ng mga convicts ng heinous crimes na maagang napalaya.

Katwiran ng DOJ, kailangang maiwasan ang peligro sakaling pumalag ang convict sa otoridad.

Pero iginiit ng Palasyo na pwede nang magsagawa ng warrantless arrest ang pulisya basta tiyak ang aarestuhing convict.

Dahil dito ay sinabi ng DOJ na sa huli ay ang pangulo pa rin ang maaaring magpatigil sa muling pag-aresto sa mga convicts na bigong sumuko alinsunod sa 15 araw ng deadline ng pangulo.

Sa tala ng otoridad, halos 200 convicts ang hindi sumuko hanggang mapaso ang ultimatum noong Huwebes, September 19.

 

Read more...